Oo, ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation at makikita sa cancellation policy mo. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Kung kailangan kong i-cancel ang booking ko, magbabayad ba ako ng fee?
Kung ang booking mo ay may libreng cancellation, hindi ka na magbabayad ng cancellation fee. Kung hindi na libre ang pag-cancel ng booking mo o ito ay non-refundable, puwedeng may cancellation fee ito. Ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Puwede ko bang i-cancel o baguhin ang dates ng isang non-refundable booking?
Hindi puwedeng baguhin ang dates ng non-refundable bookings. Kapag pinili mong i-cancel ang booking mo, puwede kang i-charge. Ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Saan ko makikita ang cancellation policy ng accommodation?
Makikita mo ito sa booking confirmation mo.
Paano ko malalaman kung na-cancel ang booking ko?
Pagkatapos mong mag-cancel ng booking sa amin, makakatanggap ka ng email na nagkukumpirma ng cancellation. Tingnan ang inbox at spam/junk folders ng email mo. Kung hindi ka nakatanggap ng email sa loob ng 24 oras, makipag-ugnayan sa accommodation para kumprimahin kung natanggap nila ang cancellation mo.
Pagbabayad
Sino ang magcha-charge ng credit card ko, at kailan?
Puwede kang i-charge ng prepayment ayon sa prepayment policy ng accommodation. Ginagawa ito para i-verify ang credit card mo, kung saan pansamantalang iho-hold ang halaga hanggang sa pag-check out. Mas mabuting makipag-ugnayan sa accommodation kung may tanong ka tungkol sa pagcha-charge.
Ano ang prepayment?
Nagre-require ng prepayment ang ilang accommodation. Ang prepayment ay ang halagang china-charge ng accommodation, bago ang stay mo. Depende sa prepayment policy ng accommodation kung kailan ang payment at magkano ang icha-charge.
Anong fee ang kasama at hindi kasama sa booking ko?
Hindi nagcha-charge ng booking fee ang Booking.com. Kahit anong dagdag na charge o tax na makikita mo ay sakop ng accommodation at local tax rules.
Puwede ko bang bayaran nang mas maaga ang stay ko?
Puwede naman, pero depende ito sa accommodation
Kailan ako macha-charge?
Depende ito sa accommodation at sa payment policy mo. Mas maganda kung itatanong mo 'to mismo sa accommodation.
Puwede ko bang bayaran ang stay ko ng ibang credit card mula sa una kong ginamit?
Oo naman. Kadalasan naman tinatanggap ng mga property ang payment para sa stay gamit ang ibang credit card o cash. Para ma-confirm kung OK ang pagbabayad ng ibang credit card, makipag-ugnayan mismo sa accommodation.
Kailangan ba ng accommodation ng deposit o mas maagang payment?
Depende ito sa payment policy ng booking.
Bakit kailangan kong ibigay ang credit card details ko?
Hinihingi ito ng mga accommodation para i-confirm ang reservation mo. Puwede nilang i-pre-authorize ang credit card mo para siguruhing valid at may sapat itong funds, o sa ibang pagkakataon, gagamitin ang details mo para mabayaran ang stay pagka-book mo.
*Ang pre-authorization ay isang panandaliang pag-hold ng amount para masiguradong valid at may sapat na fund ang credit card mo. Ang amount na kukunin ay ibabalik sa account mo pagkaraan ng ilang araw o linggo, depende sa accommodation at sa card provider mo.
Nag-charge na ang accommodation; ano'ng gagawin ko?
Depende sa payment policy ng booking, ang charge na ito ay puwedeng maging isa sa mga sumusunod:
Pre-authorization, na isang panandaliang pag-hold ng amount para masiguradong valid at may sapat na fund ang credit card mo. Ang amount na kukunin ay ibabalik sa account mo pagkaraan ng ilang araw o linggo, depende sa accommodation at sa card provider mo.
Deposit o prepayment, na kinakailangan ng ilang accommodation kapag nag-book ka. Naka-highlight ito sa confirmation email mo. Kung pupuwede ka sa libreng cancellation, ibabalik ang amount na ito kapag nag-cancel ka ng booking.
Kasama ba ang taxes sa presyo?
Depende ito sa accommodation, ang na-book mong kuwarto, at local tax requirements. Makikita mo ang iba pang additional tax sa price details ng booking mo.
Mga detalye ng booking
Puwede ba akong gumawa ng change sa booking ko? Baguhin ang dates?
Oo! Puwede kang gumawa ng change sa booking mo mula sa confirmation email o sa Booking.com. Depende sa policy ng accommodation, puwede mong gawin ang mga sumusunod:
Baguhin ang oras ng check-in/out
Baguhin ang date
I-cancel ang booking
Palitan ang details ng credit card
Palitan ang details ng guest
Pumili ng bed type
Baguhin ang room type
Magdagdag ng kuwarto
Magdagdag ng meal
Gumawa ng request
Makipag-ugnayan sa accommodation
Paano ako makakakuha pa ng ibang impormasyon tungkol sa facilities ng kuwarto o accommodation?
Puwede mong makita ang facilities ng kuwarto at accommodation sa booking confirmation mo.
Lampas sa oras ng check-in ang dating ko. Puwede pa ba akong mag-check-in?
Depende ito sa accommodation na gagawin ang lahat para mabigay ang mga pangangailangan mo, pero hindi guaranteed ang request mo. Puwede mong gawin ang kahit ano sa mga sumusunod:
Hindi ko makita ang confirmation email. Ano'ng gagawin ko?
Siguraduhing tingnan ang inbox, spam, at junk folders ng email mo. Kung hindi mo pa rin makita ang confirmation mo, pumunta sa booking.com/help at ipapadala namin ito muli sa 'yo.
Paano ako makakakuha ng invoice?
Accommodation lang ang puwedeng magbigay ng invoice para sa nakumpletong stay. Para matanggap ito kaagad, gawin ang request mo sa accommodation bago ang check-out, o direkta silang kontakin.
Babayaran ko ba ang full price para sa (mga) bata?
Kung may additional costs para sa mga bata, hindi ito kasama sa reservation price. I-check mismo sa accommodation kung ano at kailan ka magbabayad para sa (mga) bata.
Puwede bang kumuha ng extrang kama o crib para sa isang bata?
Depende ito sa policy ng accommodation. Ang additionnal costs para sa mga bata, kasama na ang mga extra bed/crib ay hindi kasama sa reservation price. Makipag-ugnayan mismo sa accommodation para sa impormasyong ito.
Ano'ng pinagkaiba ng Double room at Twin room?
Ang Double Room ay may isang kama na pandalawahan at ang Twin Room ay may dalawang pang-isahang kama. Kung tinatawag na Double/Twin ang kuwarto, puwedeng naka-set ito sa isa sa mga nabanggit. Gagawin ng accommodation ang lahat ng makakaya nila para matugunan ang pangangailangan mo.
Communications
Bakit nagtatapos sa @property.booking.com ang email address ng accommodation?
Sa bawat reservation, binibigyan ng Booking.com ng isang kakaiba at hindi kilalang alias ang email address na para sa 'yo at sa accommodation. Lahat ng mensahe na pinapadala sa alias email na 'to ay ifo-forward sa accommodation, kasama ang mga link, image, at attachment (na hanggang 15 MB).
Para masiguro ang security, may automated system ang Booking.com na nagmo-monitor sa mga komunikasyon kung mayroon itong malicious content. Kasama rito ang spam at limitasyon ng ilang uri ng mga file, tulad ng: .zip, .rar, at .exe.
Mangyaring alamin na ang email communication na ginawa ng accommodation ay ipapadala sa pamamagitan ng Booking.com sa kanilang ngalan. Walang pananagutan ang Booking.com sa anumang nilalaman ng communication. Kung tingin mong hindi naangkop ang laman ng communication, kahina-hinala o naglalaman ng spam, pinapakiusap namin na ipaalam ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pag-click ng link na makikita sa ilalim ng kanang bahagi ng email.
Lahat ng communication ay itatago ng Booking.com. Maaaring i-access ng Booking.com ang mga communication kung hihilingin mo o ng accommodation, at kung kinakailangan, para sa kaligtasan o sa layunin ng pagsasakatuparan ng batas, tulad ng fraud detection at prevention.
Maaaring suriin ng Booking.com ang mga communication para mas mapagbuti ang serbisyo nito. Kung ayaw mong subaybayan o itago ng Booking.com ang iyong mga communication na ginawa sa pamamagitan ng Booking.com, huwag gamitin ang communication feature na inaalok ng Booking.com, kabilang ang communication sa pamamagitan ng mga alias email address.
Ano ang Booking Assistant?
Ang Booking Assistant ay isang virtual assistant na makakatulong sa 'yo na gumawa ng changes sa mga booking mo at sa pagpapakita sa 'yo ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa stay mo.
Paano makakatulong ang Booking Assistant sa akin?
Matutulungan ka ng Booking Assistant sa pag-request ng parking spaces, extrang kama, ibang kama, alternatibong oras ng check-in o check-out at iba pa. Puwede ring masagot ng Booking Assistant ang iba pang katanungan mo tungkol sa iyong stay.
Saan ko mahahanap ang Booking Assistant?
Kung may future booking ka sa amin, makikita mo ang Booking Assistant sa mobile phone mo sa Booking.com app, Booking.com website o mobile website, o sa Facebook Messenger kapag pumayag kang matanggap ang confirmation mo roon.
May bayad ba ang Booking Assistant?
Libre lang ang paggamit ng Booking Assistant, ang kailangan mo lang ay internet connection. Kung gumagamit ka ng mobile data para maka-connect sa internet, puwedeng magkaroon ng karagdagang charges, depende sa service provider mo.
Saan kumukuha ang Booking Assistant ng impormasyon?
Ang mga sagot na natatanggap mo sa Booking Assistant ay ipinadadala ng Booking.com sa tulong ng aming Customer Service agents o sa ngalan ng accommodation kung saan ka nag-book.
Puwede ko bang gamitin ang Booking Assistant sa wika ko?
Available ang Booking Assistant sa English, Dutch, French, German, Italian, Japanese, Mandarin (Simplified at Traditional), Portuguese (European at Brazilian), Spanish, at Russian.
Mga uri ng kuwarto
Puwede bang kumuha ng extrang kama o crib para sa isang bata?
Makikita mo ang impormasyon tungkol sa mga extrang kama at crib para sa mga bata sa "Mga patakaran" sa property page kapag nag-book ka.
Ang dagdag na bayad sa mga bata, kung mayroon man, ay hindi kasama sa presyo ng reservation.
Kapag gumawa ka ng booking, puwede kang mag-request ng extrang kama o crib para sa isang bata sa "Mga Special Request" na box.
Kung gumawa ka na ng booking, puwede ka pa ring mag-request ng extrang kama o crib gamit ang link na ibinigay sa booking confirmation email.
Ano ang pagkakaiba ng Double room at ng Twin room?
Ang Double Room ay may isang double bed at ang Twin Room ay may 2 single bed. Kung ang kuwarto ay tinatawag na Double/Twin, maaari itong i-set up alinman sa dalawa. Maaari mong tukuyin ang iyong bedding preference sa kahon ng ‘Mga Special Request’ habang ginagawa ang booking.
Anong ibig sabihin ng "hindi refundable" at "libreng cancellation"?
Bawat kuwarto ay may individual policy na itinakda ng accommodation.
Ang "hindi refundable" na policy ay nangangahuluhang may fee kung babaguhin mo o ika-cancel ang iyong booking. Binabanggit ang fee na ito sa conditions habang nasa booking process, at sa booking confirmation.
Nangangahuluhan ang policy na "libreng cancellation" na puwede mong baguhin o i-cancel ang booking nang libre, basta ginawa ito sa panahong itinakda ng accommodation (halimbawa: "I-cancel hanggang x araw" o "I-cancel bago ang mm/dd/yy hh:mm”). Binabanggit ito sa conditions habang nasa booking process, at sa booking confirmation.
Puwede ba akong humiling ng karagdagang kama sa aking kuwarto at may dagdag na bayad ba?
Makikita mo ang impormasyon tungkol sa mga extrang kama sa "Mga patakaran" sa property page kapag nag-book ka.
Kung may idinagdag na bayad, hindi kasama iyon sa presyo ng reservation.
Kapag gumawa ka ng booking, puwede kang mag-request ng extrang kama sa "Mga Special Request" na box.
Kung gumawa ka na ng booking, puwede ka pa ring mag-request ng extrang kama sa pamamagitan ng link na ibinigay sa booking confirmation email.
Pinapayuhan ka naming kontakin ang accommodation bago ka dumating para masiguradong may available silang extrang kama. Makikita mo ang kanilang contact details sa confirmation email at kapag tiningnan mo ang iyong mga booking sa account mo.
Pagpepresyo
Ano ang kasama sa presyo?
Kasama sa presyo ang lahat ng facility na nakalista sa ilalim ng kuwarto o uri ng accommodation. Makikita mo rin kung kasama ang ibang bagay katulad ng almusal, taxes, o service charges kapag nagkumpara ka ng iba't ibang option na ibu-book. Pagkatapos mong mag-book, makikita rin ang impormasyong ito sa iyong confirmation email pati na kapag tiningnan mo ang mga booking sa iyong account.
Para sa bawat tao o bawat kuwarto ba ang mga presyong ipinakita sa Booking.com?
Ang presyong ipinapakita namin ay para sa kuwarto para sa kabuuan ng paglagi, maliban na lang kung nakasaad sa uri at deskripsyon ng kuwarto.
Kasama ba ang tax sa presyo?
Depende ito sa accommodation at sa uri ng accommodation. Pero, madaling makita kung ano ang kasama kapag nagkukumpara ng iba't ibang option na ibu-book. Magkakaiba ang tax requirement ng bawat bansa kaya makakabuting i-check ito. Pagkatapos mong mag-book, makikita rin ang impormasyong ito sa iyong confirmation email pati na kapag tiningnan mo ang mga booking sa iyong account.
Kasama ba ang almusal sa presyo?
May sariling breakfast policy ang bawat kuwarto o accommodation na puwede mong i-book. Kung kasama ang almusal, makikita mo itong nakalista sa accommodation page kapag nagkukumpara ka ng iba't ibang option na mabu-book. Kung hindi kasama ang almusal, makikita mo kung mayroon nito ang accommodation sa pag-check ng available na facilities. Pagkatapos mong mag-book, makikita rin ang impormasyong ito sa iyong confirmation email pati na kapag tiningnan mo ang mga booking sa iyong account.
Kailangan ko bang magbayad ng reservation fee sa Booking.com?
Hinde, hindi kami naniningil ng bayad.
Ano ang ibig sabihin ng crossed out rate sa tabi ng aking room type?
Ang crossed-out rate na ipinapakita sa mga kuwarto ay batay sa discount sa ikatlong pinakamataas na presyo ng Supplier para sa kanilang produkto o serbisyo na may parehong booking conditions sa loob ng 30-day window ng petsa ng check-in (15 araw bago at 15 araw pagkatapos ng petsa ng check-in; kung wala nang 15 araw ang pagitan ng araw na ito at ng petsa ng check-in, gagamitin namin ang nasabing bilang ng araw pagkatapos ng petsa ng check-in para umabot ng 30 araw).Para makagawa ng patas na paghahambing, ginagamit namin palagi ang mga parehong kondisyon ng reservation (hal. meal plan, patakaran sa kanselasyon at uri ng kuwarto). Ibig sabihin ay makukuha mo ang parehong kuwarto sa mas mababang presyo, kumpara sa ibang mga petsa ng check-in sa parehong panahon ng taon.
Nag-aalok ba ng kahit anong diskwento ang Booking.com, o diskwento sa airline o hotel loyalty cards?
Ang Booking.com ay nagbibigay ng pinakamagagandang rates para sa iyong paglagi. Hindi na posible ang anumang karagdagang pagbabawas sa presyo.
Buong presyo ba ang babayaran ko para sa aking anak?
Makikita mo ang impormasyon tungkol sa children policy ng accommodation sa "Mga Patakaran" sa property page kapag nag-book ka.
Kung mayroong mga idinagdag na bayarin sa mga bata, hindi iyon kasama sa presyo ng reservation.
Kapag gumawa ka ng booking, puwede kang mag-request ng extrang kama o crib para sa isang bata sa "Mga Special Request" na box.
Kung gumawa ka na ng booking, puwede ka pa ring mag-request ng extrang kama o crib gamit ang link na ibinigay sa booking confirmation email.
Pinapayuhan ka naming kontakin ang accommodation bago ka dumating para masiguradong may available silang extrang kama o crib. Makikita mo ang kanilang contact details sa confirmation email at kapag tiningnan mo ang iyong mga booking sa account mo.
Puwede ko bang gamitin ang mga discount voucher (hal. inisyu ng magazines, tindahan, atbp.)?
Hindi mo puwedeng gamitin ang mga voucher kapag nagbu-book sa aming website. Kailangan mong sundin ang mga paraang binanggit ng organisasyong nag-iisyu ng voucher.
Mga credit card
Puwede ba akong gumawa ng reservation nang hindi gumagamit ng credit card?
Kailangan ang valid card upang tiyakin ang iyong reservation sa karamihan ng mga accommodation. Nag-aalok kami ng ilang accommodation na tumatanggap ng iyong reservation nang walang card. Maaari ka ring mag-book gamit ang card ng ibang tao basta't may permiso ka niya. Sakaling ganoon nga, mangyaring banggitin sa kahon ng "Mga Special Request" ang pangalan ng may-ari ng card at sabihin din na binigyan ka niya ng permisong gamitin ang card nang isagawa mo ang booking.
Bakit ako na-charge?
Maaaring ito ang nangyari:
Preauthorization: Isang validity check lang ang preauthorization na pansamantalang nagba-block sa credit card mo ng tinatayang halaga na katumbas ng iyong reservation. Ibabalik ang halaga pagkalipas ng ilang panahon, depende sa property at sa iyong credit card provider.
Deposit o Prepayment: Humihingi ang ilang property ng deposit o prepayment sa oras ng reservation. Malinaw na nakasaad ang policy na ito sa proseso ng reservation at matatagpuan din sa confirmation email. Kung eligible ka sa libreng cancellation, ibabalik ang halagang ito kapag nag-cancel ka ng reservation mo.
Palaging nariyan ang aming Customer Service team kung may kailangan kang tulong sa payment issue. Puwede kang pumunta sa booking.com/help para makausap kami.
Maaari ba akong gumamit ng debit card upang kumpletuhin ang aking reservation?
Kadalasang hindi tinatanggap ng mga hotel ang debit card para tiyakin ang booking. Subalit, may ilang nagagamit din. Malalaman mo kung puwede iyong gamitin kapag ikaw ay nagbu-book.
Ano ang pre-authorization?
Kapag gumawa ka ng reservation, may mga pagkakataong makikipag-ugnayan ang hotel sa iyong credit (o debit) card company para kumpirmahin kung ang ginagamit mong card ay valid at hindi naiulat na nawala o ninakaw. Sa pagkakataong ito, aalamin din nila kung may sapat na pera ang card para sa pagbabayad ng transaksyon. Ito ay ang tinatawag na pre-authorization ng buong halaga ng iyong reservation. Subalit, hindi sisingilin ng hotel ang bayad. Ang panahon kung kailan sisingilin ang iyong card ay nakabatay sa mga tuntunin at kondisyong kaugnay ng iyong booking.
Ano ang pagkakaiba ng pre-authorization at ng aktwal na pagsingil sa aking credit card?
Ang pre-authorization ay karaniwan ngunit madalas napagkakamalang aktwal na pagsingil. Habang ang mga in-store purchase ay kaagad sinisingil at binabawas mula sa iyong available balance, ang pre-authorization ay temporary hold lamang. Magkakaiba ang tagal ng pag-hold at puwedeng sabihin ng iyong credit card company kung paano nila ito pinapangasiwaan.
Paano ko malalamang na-pre-authorize ang aking card?
Pansamantalang ibabawas ang kabuuang halaga ng iyong reservation mula sa iyong available balance. Maaari ka ring makakita ng mga “pending transaction” sa iyong credit card account summary. Kung hindi ka siguradong na-pre-authorize ang iyong card, pareho itong puwedeng patotohanan ng hotel at ng iyong credit card company.
Gaano katagal maaapektuhan ng pre-authorization ang aking available balance?
Maipapaliwanag ito nang mas mabuti ng iyong provider, kasama ng mga pangkalahatang tuntunin at kondisyong kaugnay ng kanilang mga pre-authorization procedure. Magkakaiba ang mga tuntuning ito kaya naman pinakamabuting makipag-ugnayan sa kanila para sa mga partikular na detalye.
Palagi bang magkapareho ang hold at ang eksaktong halaga ng aking reservation?
Kadalasan, ang pre-authorization na gagawin ng hotel sa iyong card ay para sa kabuuang halaga ng iyong reservation. Minsan, maaaring makakita ka ng halagang mas mataas nang kaunti sa presyong ipinapakita sa Booking.com. Kapag nangyari ito, maaaring ipaliwanag ng hotel kung bakit ito naganap.
Mangyayari ba ito para sa lahat ng mga booking na ginawa gamit ang Booking.com?
May karapatan ang hotel na i-pre-authorize ang iyong card, subalit hindi naman nangangahulugang ginagawa ito sa bawat booking. Huwag mag-alala, kapag na-pre-authorize ang iyong card, parehong handang tumulong ang hotel at ang iyong credit card company. Maaari ka rin nilang tulungan para alisin ang mga hold na ito sa mas lalong madaling panahon.
Maaari ba akong magpareserve gamit ang credit card ng iba?
Oo, puwede, kung may permiso ka mula sa may-ari ng card. Habang ginagawa ang booking, banggitin na ginagamit mo ang card ng ibang tao kasama ang kanilang permiso sa may "Mga Special Request" na box. Maaaring kailanganin ng accommodation ang authorization mula sa cardholder. Tandaan na kung magkaroon ng no-show o late cancellation, icha-charge ang anumang penalty sa card na ibinigay habang ginawa ang booking.
Bakit kailangan kong ibigay ang mga detalye ng aking credit card?
Kadalasan, kinakailangan ng Booking.com ang credit card details para ma-confirm ang reservation mo sa accommodation. Maaaring i-check (i-preauthorize) ang credit card mo para masiguradong valid at sapat ang fund nito. Pagkatapos ma-check, magiging available muli ang buong halaga sa 'yo. Sa ilang pagkakataon, gagamitin ang credit card details mo para iproseso ang payment para sa reservation sa oras ng pag-book. Macha-charge lang ang credit card mo kung nag-request ka ng prepaid accommodation o kung hindi nasunod ang cancellation policy.
Aling credit card ang puwede kong gamitin para makumpleto ang aking booking?
Para makagawa ng reservation gamit ang Booking.com, tinatanggap ng lahat ng hotel ang:
Mastercard
Visa
May ilang mga hotel na tumatanggap ng credit card tulad ng American Express para sa reservation. Malalaman mo kung anong credit card ang tinatanggap ng hotel sa 'Mga Patakaran ng Hotel' sa ilalim ng hotel description at kapag gumagawa ka na ng iyong booking.
Ligtas ba ang mga detalye ng credit card ko?
Oo, palagi. Gumagamit ng ligtas na koneksyon ang Booking.com at encrypted ang personal data at credit card details mo.
Encrypted ang iyong personal na data at mga detalye ng credit card.
Gumagamit ang aming secure server ng ‘Secure Socket Layer’ (SSL) technology, ang pamantayan ng online industry.
Issued ng Thawte ang aming SSL certificate.
Ang dati kong ginagamit na credit card para mag-book ay hindi na valid. Ano ang dapat kong gawin?
I-update ang payment details mo sa Booking.com. Sakaling nakasaad sa booking confirmation na ang accommodation ang hahawak sa payment, puwede mo rin itong direktang kontakin. Makikita mo ang kanilang contact information sa iyong booking confirmation email o kapag nag-log in ka sa Booking.com. Dahil sa security reasons, ‘wag ibigay ang credit card details mo sa email.
Patakaran ng accommodation
Darating ako nang mas maaga/late kaysa sa nabanggit na oras ng check-in. Puwede pa rin ba akong magcheck-in?
Puwede kang mag-request ng early/late check-in sa iba't ibang paraan:
Puwede mong tukuyin ang nais mong oras ng check-in habang ginagawa ang reservation.
Puwede mong ayusin ang iyong booking online para mag-request ng mas maaga o late na check-in.
Puwede kang makipag-ugnayan nang direkta sa property, gamit ang mga contact detail na matatagpuan sa kumpirmasyon ng booking.
Mangyaring tandaan na hindi laging matutugunan ng property ang bawat request mo. Kung may availability, malugod ka nilang patutuluyin. Subalit maaari ring walang taong haharap sa iyo kung darating ka nang gabing-gabi na. Mas mabuting makipag-ugnayan ka sa property nang direkta upang malaman kung maaari kang mapatuloy sa ganitong pagkakataon.
Ano ang oras ng check-in at check-out sa accommodation?
Magkakaiba ang oras ng check-in at check-out ng bawat accommodation. Makikita mo ang mga ito sa section ng "Mga Patakaran" sa property page kapag gumawa ka ng booking. Kung nakagawa ka na ng booking, makikita mo ang oras ng check-in at check-out sa confirmation email mo at kapag nag-log in ka sa account mo.
Paano ako makakakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa facilities?
Makikita mo kung anong facilities ang kasama sa booking kapag nagkukumpara ng iba't ibang option na inaalok sa partikular na accommodation. Para makita kung anong facilities ang available sa mismong accommodation, pumunta sa "Facilities" na nasa itaas ng property page.
Gusto kong magcheck-out pagkatapos ng nabanggit na oras ng check-out? Ano ang dapat kong gawin?
Puwede kang magtanong tungkol sa pag-aayos ng late check-out pagdating sa accommodation. Tandaan lang na depende ito sa kung ano ang available sa panahon ng iyong stay.
Gusto ko ng smoking room pero puwede lang akong pumili ng non-smoking room. Paano ako magrerequest ng smoking room?
Kung walang mga nakalistang smoking room, ang ibig sabihin ay hindi pinapayagan ng hotel ang paninigarilyo sa kuwarto.
Paano ko malalaman kung pinapayagan ng accommodation ang mga pet?
Parating makikita sa accommodation page sa ilalim ng "Mga Patakaran" ang mga pet policy.
Mga Dagdag na Pasilidad
Paano ko malalaman kung may parking ang accommodation at paano ako magpapa-reserve nito?
Makikita mo sa "Facilities" kung may parking o wala ang accommodation bago ka mag-book. Kung kailangan ng property na magpa-reserve ka ng space, direkta silang tawagan gamit ang contact details na nasa booking confirmation mo.
Paano ko malalaman kung nag-aalok ng shuttle service ang accommodation at paano ko ito mabu-book?
Kung nag-aalok ng shuttle service ang accommodation, ililista ito sa ilalim ng "Facilities." Pagkatapos mong mag-book, puwede kang magpa-arrange ng airport transfer sa accommodation. Makikita sa iyong booking confirmation ang contact information ng hotel. Ihanda ang iyong flight details dahil kailangan nila ito para masiguradong mahahanap ka ng driver sa airport.
Puwede bang itago ng accommodation ang aking luggage bago ang check-in o pagkatapos ng check-out?
Kung may luggage storage ang accommodation, makikita mo ito sa accommodation page sa "Facilities." Para sa iba pang impormasyon tungkol sa luggage storage, tawagan mismo ang hotel gamit ang contact details na nasa booking confirmation mo.
Paano ko malalaman kung mayroong partikular na facility ang accommodation (halimbawa: elevator)?
Sa ilalim ng "Facilities," makikita mo ang listahan ng lahat ng facility, activity, at service ng accommodation.
Simula ng laman ng dialog box
Verified reviews mula sa mga totoong guest.
Mayroon kaming mahigit 70 milyong property review at galing ang mga ito sa mga totoo at verified na guest.
Paano ito gumagana?
1
Nagsisimula ito sa isang booking
Nagsisimula ito sa isang booking
Ang tanging paraan para makagawa ng isang review ay ang paggawa ng isang booking. Iyan ang paraan kaya namin nalalaman na ang mga review ay mula sa mga tunay na bisita na naglagi sa property.
2
Sinusundan ng pagbiyahe
Sinusundan ng pagbiyahe
Kapag naglagi ang bisita sa property, sinusuri nila kung gaano katahimik ang kuwarto, gaano kasarap ang pagkain, gaano kabait ang mga staff, at iba pa.
3
At pagkatapos, ang review
At pagkatapos, ang review
Matapos ang kanilang biyahe, sasabihin sa amin ng mga bisita ang kanilang palagay sa property. Tinitingnan namin ang bawat review kung may mga salitang hindi kanais-nais, at sinusuri kung totoong sinulat ito ng bisita bago namin ito ipakita sa Booking.com website.
Kapag nag-book ka sa amin at gusto mong mag-iwan ng review, kailangan mong mag-sign in muna.