Puwede kang humingi ng refund para sa sobra kung makita mong mas mura ang reservation mo sa ibang website.
Tandaan lang na kontakin kami pagkatapos mag-book sa amin. Kung na-file mo ang iyong claim sa May Price Match Kami sa pamamagitan ng email, kakailanganin mong magbigay sa amin ng screenshot at link sa ibang offer. Puwede ka ring mag-file ng claim sa May Price Match Kami sa pakikipag-ugnayan sa aming Customer Service nang direkta sa phone. Sa anumang pagkakataon, dapat online ang ibang offer at available kapag tiningnan namin.
Checklist ng May Price Match Kami
Dapat para sa parehong property at uri ng accommodation ang ibang offer.
Ang ibang alok ay dapat para sa parehong date ng check-in at check-out.
Dapat may parehong cancellation policy at conditions ang ibang offer.
Ang ibang alok ay dapat para sa parehong bilang ng mga nakatira
Ang ibang alok ay dapat may parehong add-on/meal plan.
Ang mas magandang deal ay dapat nasa lokal na currency ng property.
Kailan ka hindi puwedeng mag-claim?
Kung ang ibang offer ay nasa website na hindi nagpapakita ng property o uri ng accommodation kung saan ka nag-stay hanggang pagkatapos ng booking.
Kung available ang ibang offer sa malabo, kahina-hinala, at/o malamang na fraudulent na website.
Kung ang ibang offer ay bahagi ng loyalty o rewards program, kung saan binabawasan ng property o website ang presyo para sa mga aksyong tulad ng paulit-ulit na business, pag-log in, paggamit ng coupon code, pagre-refer sa iba, o anumang iba pang aksyon na nagpapababa sa original na presyo.
Kung “Partner offer” (ganito ang mga label nito sa aming platform at ibinibigay ng mga partner company) ang iyong kasalukuyang reservation sa Booking.com o kung inihahambing mo ang ibang offer sa “Partner Offer” sa aming platform.
Kung mag-cancel ka ng iyong booking.
Kung nag-book ka ng single-unit na accommodation, na likas na hindi available sa ibang lugar.
May karapatan ang Booking.com na gawin ang tanging pagpapasya tungkol sa eligibility ng customer na makatanggap ng katugmang presyo.
Nakita mo ba ang iyong booking nang mas mura sa ibang lugar?
Hanapin ang “Nakita ang kuwartong ito na mas mura sa iba?” sa iyong confirmation page.
I-validate na nakakatugon sa lahat ng mga kinakailangan (suriin ang checklist) ang mas murang offer.
I-save ang link ng mas murang offer (Halimbawa: www.hotel.com/93203920).
Kumuha ng screenshot (o maramihan) na sinisigurado na ang lahat ng nauugnay na data ay nakuha (suriin ang checklist).
Kontakin ang Customer Service.
Pagkatapos ng validation ng claim, babaguhin namin ang presyo ng reservation (kung maaari) o magbibigay ng karagdagang instruction para sa iyo na mag-claim ng refund pagkatapos ng stay para sa pagkakaiba sa presyo.
May karapatan ang Booking.com na gawin ang tanging pagpapasya tungkol sa eligibility ng customer na makatanggap ng katugmang presyo.