Oo, ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation at makikita sa cancellation policy mo. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Kung ang booking mo ay may libreng cancellation, hindi ka na magbabayad ng cancellation fee. Kung hindi na libre ang pag-cancel ng booking mo o ito ay non-refundable, puwedeng may cancellation fee ito. Ang cancellation fee ay itinakda ng accommodation. Babayaran mo ang kahit anong dagdag na cost sa accommodation.
Karaniwang may charge ang pag-cancel ng isang booking na Non-Refundable. Pero may option ka na mag-request ng libreng cancellation sa pag-manage ng booking mo. Magpapadala ito ng request sa accommodation, na maaaring tanggapin ang request mo na i-waive ang cancellation fee. Hindi rin puwedeng baguhin ang dates ng isang booking na Non-Refundable, pero posible mo itong i-book uli sa gusto mong dates kung pumayag ang accommodation na i-waive ang cancellation fee.
Pagkatapos mong mag-cancel ng booking sa amin, makakatanggap ka ng email na nagkukumpirma ng cancellation. Tingnan ang inbox at spam/junk folders ng email mo. Kung hindi ka nakatanggap ng email sa loob ng 24 oras, makipag-ugnayan sa accommodation para kumprimahin kung natanggap nila ang cancellation mo.
Makikita mo ito sa booking confirmation mo.